top of page

F.A.Qs

1. Magkano ang halagang puwedeng mautang ng bagong miyembro?

​

Sa Tradisyunal na paraan, puwede tayong mangutang ng halagang Php5,000 bilang initial loan. Sa ating Fast Track Loan, ang initial na puwede nating mautang ay ang halagang Php3,000. ang karagdagang loan pagkatapos nating bayaran ang ating naunang loan ay ayon sa ating Loan Evaluator.

​

​​

2. Kailan puwedeng umutang ang bagong kasapi at ano ang mga requirements?


DALAWA ANG PAMAMARAAN NG PAG UTANG SA ATING KOOPERATIBA

1. Tradisyunal na sistema. Kailangan nating buuin ang ating minimum shared capital na halagang Php5,000 at magpalipas ng isang buwang maturity bago tayo makautang, mag fill-up ng application form, ang proseso ng ating loan ay sa loob ng tatlong (3) araw.

2. Fast Track loan o pinabilis na sistema ng pag lo-loan. Kailangan nating magmiyembro sa halagang Php1,500 at kumuha ng limang tao na mapapamiyembro natin sa kooperatiba at nagbayad rin ng kaukulang membership na 1500. Dito maari na tayong maka pag loan. Mag fill-up din ng application form at sa loob ng tatlong (3)araw makakatanggap ka ng tawag mula sa ating mga loan facilitator para sa release ng iyong loan.

​

3. Hanggang magkano ang puwede kong ilagak bilang share capital at Savings sa ating Kooperatiba?
 

Ang puwede nating ilagak na Share Capital sa ating Kooperatiba ay minimal na Php5,000 – Php20,000 na maaaring bayaran ng Php50 kada biyernes ng bawat buwan. At ang Savings ay maari ring bayaran ng Php50 hanggang sa maabot ang karampatang halaga na Php5,000 na dapat Savings ng bawat isang miyembro. Ang karagdagang Savings ay maari ayon sa ating kagustuhan hanggang Php20,000 lamang.

​

4. Saan napupunta ang Subscription Fee na 2000?
 

Ang halagang 1500 ay napupunta sa mga sumusunod: BREAKDOWN: KNMAP, INC. Social Fund Insurance/ID Kadamayt Incentive Program Back office Website Future plans of Kadamaympc

​

5. Magkano ang kinakailangang puhunan upang ikaw ay maging miyembro ng kooperatiba?
 

Ang puhunan upang ikaw ay maging lehitimong miyembro sa kooperatiba ay sa halagang 2000.

​

6. Sino at Paano ang Pagsali sa ating Kooperatiba?
 

1.Kailangan ikaw ay Pilipino, nasa hustong gulang (18 taon pataas) at nakahandang tanggapin ang mga patakaran at alituntunin na isinasaad sa ating

...Articles of Cooperation (under Rep.Act 9520).At nakahandang makibahagi sa mga panuntunan na nasa pamamahala ng Kadamaympc.

2.Dumalo sa PMES (Pre-Membership Educational Seminar)

3.Kinakailangang may nag isponsor sa atin.

4.Mag fill-up ng application form at lakipan ng isang 2x2 ID picture.

5.Magbayad ng kaukulang halaga na Php 1,500 para sa subscrition fee.

​

7. Ano ang Meaning ng CDA?
 

CDA is Cooperative Development Authority... committed to: Continually enhance the quality of our programs and services, considering the aspirations of our clients in mind; Deliver prompt services to the public, following a culture of excellence, commitment, integrity and teamwork; and Act in accordance with law and public policy.

​​​​​​​​​​​​

8. Maari po bang makautang maski walang cheke o PDC ang isang miyembro?
 

Sa ating tradisyunal na paraan, maari tayong makautang ng mula Php1,000 – Php20,000 na walang kinakailangang requirements na dapat ilagak sa kooperatiba, Ngunit kung mas mataas na sa Php20,000 ang ating hihiramin, kailangan nating magbigay ng collateral o kumuha ng co-maker, pero necessary na cheke o PDC ang ating gagamiting pang collateral. Sa atin namang Fast Track loan, maari tayong makapangutang ng kahit magkanong halaga basta tayo ay nakakasunod sa mga proseso ng ating pagpapautang kahit wala tayong cheke/PDC o kahit wala tayong collateral o co-maker man.

​

9. Puwede po bang mag loan ng pangalawa kahit hindi pa tapos o bayad ang unang utang?
 

Sa ating tradisyunal na paraan, kailangan muna nating bayaran ang ating naunang loan bago tayo uli maka pag loan ng panibago. Ngunit sa ating Fast Track Loan, maari tayong mangutang ng hanggang tatlong beses kahit may existing loan pa tayo, paano?

Ang kailangan lang nating gawin ay magkaroon ng panibagong Limang (5) bagong miymebro ng ating kooperatiba.

​

10. Gaano katagal ang pagbabayad ng utang?
 

Ang pagbabayad natin ng ating mga loan ay hindi lalagpas sa loob ng anim na buwan ngunit maaring bayaran sa mas maikling panahon, sa loob ng tatlong buwan kung ito ay sa tradisyunal na pamamaraan. Ngunit sa ating Fast Track Loan, pinahihintulutang bayaran ang ating mga loan sa loob ng Dalawang (2) buwan ngunit hindi lalagpas sa anim na buwan.

​​​​​​​​​​​​​

11. Saan puwedeng magbayad ng Weekly Share Capital, Loans and Savings?
 

Puwede tayong magbayad ng ating mga share capital, loans and savings sa ating opisina mismo o di kaya naman kaya ay sa opisina ng ating mga Satellite Meeting Place-Operators.

​

​​​​​​​​​​​​

12. Puwede po ba magbayad ng monthly?
 

Puwede po tayong magbayad ng monthly basis pero in advance. Halimbawa, ang petsa ng iyong pagbabayad sa loob ng isang buwan ay February 01, 07, 14 and 21, kailangan mong bayaran ang isang buong buwan in advance, samakatuwid kailangan mong bayaran ang apat na linggo unang petsa ng iyong pagbabayad.

​

13. Papano kung hindi makahulog sa oras o makalimutan ng miyembo na maghulog ng bayad kada Friday?
 

Kung makalimutan ng miyembro o mahuli ang miyembro sa pagbabayad ng share capital kada biyernes, ang release ng kanyang re-loan ay madedelay ng isang buwan bilang karampatang parusa. Kung tayo naman ay mahuhuli sa pagbabayad ng ating loan kada biyernes, tayo po ay magkakaroon ng penalty na two (2%) na iko compute sa ating weekly payments.

​​​​​​​​​​​​

14. Ano ang benepisyo ng mga miyembro?
 

Ang mga miyembro ay makakatanggap ng mga benepisyo na nakasaad sa batas ng Kooperatiba gaya ng pagiging lehitimong kasapi nito, pagkakaroon ng ID, pagkakaroon ng Certificate of Membership, Insurance, pagkakaroon ng Social Fund at pagiging miyembro sa KADAMAY Network Marketing Association of the Philippines at higit sa lahat ay ang pagkakaroon ng tinatawag na year end dividendo o hati sa kabuuang kita ng Kooperatiba sa loob ng isang taon. Ang bawat miyembro din ay nabibigyan ng benepisyo na magkaroon ng mga komisyon sa pamamagitan ng sariling sistema ng kooperatiba.

​

15. Maari po bang i withdraw ang aking share capital at savings kung ayaw ko ng maging kasapi ng kooperatiba?
 

Ang ating Savings at Share Capital ay maaring i withdraw kung sakali mang ayaw na nating maging kasapi ng koopeartiba. Ngunit kailangan nating dumaan sa legal na proseso, kailangan nating maghintay ng 180 days o humugit kumulang anim na buwan mula sa pagdedeklara natin ng total withdrawal.

​

16. Paano po kinukwenta ang pautang na makukuha?
 

Ang atin pong mga pautang ay kinukuwenta sa pamamagitan ng company standard computation. Halimbawa sa interest ng Pautang: Php3,000 x .5% Php15 (tubo ng ating inutang sa loob ng 1 month) x 6 months (haba ng pagbabayad) Php90 (tubo ng inutang sa loob ng 6 months) + Php3,000 (ating inutang) Php3,090 (babalik sa kooperatiba sa loob ng 6 months)

​

17. Paano kung ang isang nanghiram ng pera ay hindi na nagbayad ng utang at dina nagpakita, may pananagutan ba ang direktang nag-invite sa kanya?
 

Kung ang isang miyembro ay nangutang at siya’y dina nagpakita o diman siya ay tumalikod sa kanyang obligasyon. Walang direktang pananagutan ang nag isponsor sa kanya o di naman kaya ang mga taong direktang kinuha niya. Ang mananagot sa kanyang inutang ay ang kanyang komisyon. Maliban diyan, puwede siyang kasuhan ng kooperatiba ng isang civil case.

​

18. Hindi ba babagsak ang ating kooperatiba sa laki ng pay out na ipinapakita ng ating presentation?
 

Ang mga komisyon na ibinibigay ng ating kooperatiba na mula sa kita nito ay ibinabahagi lamang nito sa lahat ng miyembro. Ito ay pribilehiyo ng bawat isa. At ang ganitong sistema, ay masusing pinag aralan muna ng mga taong nasa likod nito.

​

19. Kung kami po ay nasa malayong lugar, saan po kami maaring magbayad para sa aming weekly due na kung saan ay accessible din para sa amin?
 

Ang ating kooperatiba ay mayroong mga extension offices nationwide, puwede tayong magbayad sa mga pinakamalapit na branches ng ating kooperatiba o di kaya naman ay maghulog po tayo sa mga otorisadong bangko ng ating kooperatiba. Gaya ng PNB. BPI, BDO, UCPB at RCBC. Sundin po lamang ang kailangang format sa pagbabayad.

​​

20. Paano kung uutang ako ng higit Php100,000 at akoy may pang collateral, posible ba?
 

Puwede po tayong umutang sa ating Traditional way ng mula Php5,000 – Php20,000 ang halaga. Sa ngayon ay yan muna ang puwedeng ipautang ng ating kooperatiba sapagkat tayoy nagsisimula pa lamang. Ngunit kung meron tayong Php20,000 na shared capital at Php20,000 na savings, tayo po ay pinapayagang umutang ng hindi tataas sa pinagsamang halaga ng ating savings at shared capital.

​

21. Puwede ba akong mangutang agad ng Php3,000 at ibawas nalang sa loan ko yung membership na Php2,000?
 

Ang bawat isa pong kasapi ng ating kooperatiba ay kailangang dumaan sa natural na proseso ng pagsali at pangungutang. Kailangan po nating magpa miyembro sa Php1,500 muna at kumuha ng limang taong direct bago tayo makautang ng halagang Php3,000. Hindi po puwedeng ibawas ang ating membership sa ating mga loan.

​

22. Kung sakali pong ang isang miyembro ay nasawi, saan po mapupunta ang kanyang mga benepisyo at kita sa kooperatiba?
 

Kung ang isang kasapi ay nasawi, ang lahat ng kanyang kita at benepisyo ay mapupunta sa legal na tagapagmana na nakasaad sa kanyang pinirmahang application form. Ang kanyang naiwanang utang naman sa ating kooperatiba ay hindi mamanahin ng kanyang beneficiary.

​

23. Paano kung ang beneficiary ng nasawing kasapi ay isang menor de edad o isang bata?
 

Kung ang beneficiary ng nasawi ay isang bata o di kaya naman ay isang menor de edad, ang makikipag transact sa ating kooperatiba ay ang kanyang legal guardian, kailangan lang ng legal guardian na magpasa ng kaukulang requirements para sa pagkuha ng mga naiwang kita ngunit ang mga benepisyo mula sa kooperatiba ay mapupunta sa kanyang legal na beneficiary.

​

24. Paano ko malalaman na ang mga taong ininvite ko at ininvite ng mga tao ko ay nakadugtong talaga sa akin?
 

Ang bawat isang kasapi ng ating kooperatiba ay mabibigyan ng sariling username at password na kung saan kanyang magagamit sa pagbukas ng kanyang personal webpage. Ma mo-monitor natin sa kanyang personal webpage ang bawat transaction niya at ng kanyang mga miyembro at dun din ay makikita natin kung ang mga taong ininvite natin o ininvite ng ating mga tao ay naidugtong sa tinatawag na Unilivel List.

​

25. : Kung sakali pong hindi ko makuha ang aking komisyon sa itinakdang araw, maari ko bang kuhanin ito sa ibang araw?
 

Maari na nating kuhanin ang ating mga komisyon kahit anong araw, lumapit lamang tayo sa mga staff o personnel sa opisina ng ating kooperatiba para sa Encashment . Kung tayo naman ay nasa malayong lugar, maari tayong magtransfer ng ating earnings sa pinakamalapit na satellite office. Duon ay makukuha natin ng cash kaagad. Kung tayo naman ay mayroon nang PNB atm na galing sa ating opisina, maari nating gamitin ang ENCASHMENT FACILITY sa ating personal webpage at ilipat sa ating PNB account. 3 days ang processing nito.

​​

26. Ano ang Common Bond of Interest ng KadamayMPC?
 

Sa ilalim ng common bond of interest, ang KNMAP ay Associational. Lahat ng maaring maging miyembro sa KadamayMPC ay dapat miyembro ng KNMAP.

​

27. Ano ang KNMAP?
 

Kadamay Network Marketing Association of the Philippines. Ito ay isang association na binubuo ng mga professional na marketers o yung tinatawag nila na mga NETWORKERS.

​​

28. Legal po ba ang KadamayMPC?
 

Opo, ang Kadamay Multi-Purpose Cooperative po legal, ito po ay registered sa CDA( pwede mo idownload ang Certificate of Registration sa ating online account, at i click ang LEGALITIES.) Naroon lahat ang mga legalities na iyong kailangan.

​​

29. Ano ang nasasakop ng Insurance ng mga Lehitimong miyembro ng ating kooperatiba?
 

INSURANCE COVERAGE: ₱50,000 Accidental Death ₱50,000 Dismemberment ₱5,000 Medical Reimbursement due to Accident ₱5,000 Burial Benefits due to Accident

​​​​​​​​​​​​

30. Ano naman ang nasasakop ng ating social fund?
 

SOCIAL FUND COVERAGE: ₱500 Medical Reimbursement ₱10,000 Natural Death to Members (H.E.L.P PROGRAM) ₱10,000 Calamity Fund to Members (H.E.L.P PROGRAM) H.E.L.P PROGRAM - Members who has earnings for the week the event happened ₱20 will be deducted from their commission.

​

31. Ano ang Help Program?
 

H.E.L.P PROGRAM - Ang bawat miyembro na mayroong kita sa linggo kung saan nangyari ang ano mang insidente ay babawasan ng halagang P20 pesos sa kanyang E-cash upang itulong sa ating Programa. POLICY OF SOCIAL FUND/HELP PROGRAM BENEFITS: 1.) Be a member of KADAMAY MULTI-PURPOSE COOPERATIVE and avail our Help program under Social Fund. 2.) If a member died thru natural death, accidental death, unprovoked murder or assault, this will entitle him/her for help program benefits given by our cooperative and each member. (Suicide and act of GOD not included). 3.) Every member with commission will contribute P20 the death of the member. (To be deducted from their account). 4.) Beneficiary can avail only once. (One name, one time availment). 5.) Only the declared beneficiary will avail the help program. 6.) There will be Ninety (90) days contestability period from the time of encoding the member’s application to actual date of death. 7.) Requirement to Help Program Benefits: One (1) DIRECT REFERRAL.

​

32. Ano ang mga FuturePlans ng ating Kooperatiba?
 

Scholarship Program for our deserving members FREE Medical Services FREE Dental Services Medical Missions Providential Assistance Continuous Education FREE Training (LIVELIHOOD PROGRAM) Other Social Programs Car Plan Housing Assistance

​​​​​​​​​​​​

33. PERSONAL ACCIDENT CLAIM REQUIREMENTS???
 

Personal Accident Claim Requirements Accomplished Claim Form Hospital Statement of Account with Room & Board Charges Hospital Official Receipt of Payment Hospital Itemized Receipt and/or Charge Slips Physicians Fee Official Receipt Doctors Prescription and Drug Store Invoice of Medicines Purchased Affidavit of Accident/Police Report Medical Certificate

​​​​​​​​​​​​

34. DEATH CLAIM REQUIREMENTS??
 

Death Claim Requirements: Affidavit of Accident/Police Report Medical Certificate/Death Certificate Medical Expense Incurred Post Mortem Report Proof of relationship with insured Birth Certificate

​​

35. Personal Accident Claim Requirements?
 

Personal Accident Claim Requirements Accomplished Claim Form Hospital Statement of Account with Room & Board Charges Hospital Official Receipt of Payment Hospital Itemized Receipt and/or Charge Slips Physicians Fee Official Receipt Doctors Prescription and Drug Store Invoice of Medicines Purchased Affidavit of Accident/Police Report Medical Certificate

​

36. Death Claim Requirements?
 

Death Claim Requirements: Affidavit of Accident/Police Report Medical Certificate/Death Certificate Medical Expense Incurred Post Mortem Report Proof of relationship with insured Birth Certificate

​

37. POLICY OF SOCIAL FUND / HELP PROGRAM BENEFITS?
 

 

POLICY OF SOCIAL FUND/HELP PROGRAM BENEFITS:

​

1. Be a member of KADAMAY MULTI-PURPOSE COOPERATIVE and avail our Help program under Social Fund.

2. If a member died thru natural death, accidental death, unprovoked murder or assault, this will entitle him/her for help program benefits given by our ....cooperative and each member. (Suicide and act of GOD not included).

3. Every member with commission will contribute P20 the death of the member. (To be deducted from their account).

4. Beneficiary can avail only once. (One name, one time availment).

5. Only the declared beneficiary will avail the help program.

6. There will be Ninety (90) days contestability period from the time of encoding the member’s application to actual date of death.

7. Requirement to Help Program Benefits: One (1) DIRECT REFERRAL.

​Home >>About Us >>Opportunity >>Legalities >>Products >>​Hot To Join >>​FAQs

  • https://www.facebook.com/wix
  • http://www.youtube.com/user/wixmypag
  • s-tbird

Copyright ©2012 KADAMAY Multi-Purpose Cooperative All Rights Reserved
All materials contained on this site are protected by the Republic of the Philippines copyright law and may not be reproduced, distributed, transmitted, displayed, published or broadcast without the prior written permission of

KADAMAY Multi-Purpose Cooperative

Payment Methods

bottom of page